Sunday, August 1, 2021

NAALALA MO PA BA ANG YAHOO?

Naalala Mo Pa Ba Ang Yahoo?

Dati pag mago-online ako, yahoo kagad ang bubuksan ko.

Tsaka dati yahoo messenger pa gamit ko pag makikipag chat ako sa mga friends ko.

Yahoo din yong nagsilbing tulay ng pagiibigan namin ng x-girl friend ko dahil asawa kuna sya ngayon na nasa Saudi ako nuon at nasa Barcelona din sya - at nang dahil sa Yahoo sya ay asawa kuna ngayon.

Kilalang kilala at super successful noon ang Yahoo.

Pero ngayon wala na, palubog na sila.

Alam mo kung bakit sila nag-failed?

Here’s the short story …

Noong 1998 may opportunity sila na bilin ang technology ni Google.

Pero hindi sila naging interesado. Hindi sila umaksyon.

Noong 2002 naman, nagkaroon sila ulit ng opportunity para bilhin ng buo si Google.

Alam mo kung magkano lang?

$5 billion dollars lang!

Pero hindi nanaman sila umaksyon.

Ngayon, number one si Google na search engine.

Pangalawa sila sa pinaka mayamang company sa buong mundo (Number 1 ang Apple)

Ang value ng Google ay $507 Billion dollars!

Sayang noh?

Tapos nung 2006, muntik namang mabili ni Yahoo si Facebook.

Alam mo magkano? $1 billion dollars lang.

Pero si yahoo tumawad. Binaba nila yung offer ng $850 milyon.

Hindi pumayag si Mark Zuckerberg

(Founder of Facebook).

Ngayon isa sa pinaka mayamang company sa buong mundo ang Facebook. Ang value nila ngayon ay $328 billion.

Sayang nanaman YAHOO noh!

Ang dami-daming sinayang na opportunity ni Yahoo!

Pero pinaka huling pagkakamali nila ay noong 2008.

This time si Google naman ang gustong bumili kay Yahoo. He he!

Gusto silang bilhin ni Google sa halagang $44.6 billion dollars.

Hindi pumayag si Yahoo.

Hindi sila umaksyon.

Fast forward today, naibenta na si Yahoo sa Verizon

Alam mo kung magkano na lang?

$4.83 billion na lang.

Napaka liit nyan kumpara sa mga sinayang nilang opportunity.

Kung umaksyon sana sila, sila sana pinaka mayamang company ngayon.

Sila sana may ari kay Google at Facebook!

Kabayan, ngayon alam muna ang tungkol kay YAHOO, ay ganun din sa buhay.

Pag hindi ka willing gumawa ng aksyon, maraming opportunity ang posibleng masasayang at mapagiwanan ka.

May times na ba na nasabi mo…

“Sayang sana pala ________!” 

"Sana nag post na ako para makita na ng prospects ko"! 

"Sana pala tinawagan at pinag follow up ko sya."!

…Sana pala kinausap ko s’ya!

…Sana pala sinabi kong I love you! 😀

…Sana pala sumama ko!

…Sana pala binili ko yun!

…Sana pala gumawa ako ng aksyon!

Isa yan sa pinaka masakit! Yung manghihinayang ka! 

Panghihinayang sa aksyon na sana ginawa mo. Don’t make the Yahoo mistake. Be brave, be bold and take action.

TAKE ACTION NOW!

Would You Like to Learn More About a Business Opportunity that Has The Potential to Replace Your Current Working Income Without Quitting Your Job?

You really ought to try it, either full-time or over weekends. We have a great business opportunity. You can run it from home full time or part time, or any combination.

Click HERE to Learn About a Business Model That is Proven Successful with FREE Start-up Costs.

No comments:

Post a Comment