Thursday, June 24, 2021

HEALTH BENEFITS LEMONZHI

Ang Lemon at ang Napatunayang Benepisyong Pangkalusugan nito

Ang lemon ay mataas sa vitamin C, sangkap na napatunayan ng mga scientists na nagtataglay ng maraming benepisyong pangkalusugan. Pangunahing uri ng antioxidant na tumutulong labanan ang mga free  radicals (kadalasang sanhi ng maraming karamdaman), ang vitamin C ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng stroke at ng sakit sa puso. Nagpapababa din ito ng blood pressure.

Pagpapababa ng Tsansa ng Stroke

Pinatutunayan ng mga pag-aaral na ang pagkain ng mga prutas at gulay, pangunahing pinaghahanguan ng mga antioxidants (mga sangkap na tulad ng vitamin C or E na pumipigil o nagpapabagal ng cell damage na sanhi ng mga free radicals), ay nauugnay sa pagpapababa ng pagkakaroon ng stroke. Sang ayon sa mga pananaliksik, ang mababang level ng vitamin C ay panganib ng pagkakaroon ng brain hemorrhages. Ang hemorrhagic stroke ay nangyayari kapag rumupok ang mga blood vessels, sumabog at nagiging sanhi ng pagkalat ng dugo (bleeding) sa utak.

Pagpapababa ng pPagkakaroon ng Cardiovascular Disease

Ang cardiovascular disease ay kundisyon na may kaugnayan sa pagkipot o pagbara ng mga blood vessels na maaaring humantong sa atake sa puso, paninikip ng dibdib (angina) o stroke.

Ang vitamin C ay maaring makatulong sa pagpigil sa tuloytuloy na paninigas ng mga ugat (arteries) na dinadaluyan ng mga dugo, karamadamang tinatawag na atherosclerosis — isang sakit na kung saan ang mga plaques (gawa sa fat, cholesterol, calcium, and other substances) ay namumuo sa loob ng mga arteries. Ang paninigas ng mga plaques ay nagpapakipot sa iyong mga ugat, na maaring maging sanhi ng heart attack, stroke, peripheral artery disease, or kidney problems, depende kung aling ugat ang apektado. Bukod sa pagpapatibay ng iyong mga arteries, ang vitamin C ay nakapagbibigay rin ng proteksyon sa iba pang paraan, katulad ng pag kuntra sa pamamaga at pagpapa-improve ng iyong mga blood vessel function.

Pagpapababa ng Uric Acid Sa Iyong Dugo

Ang mga prutas na mataas sa vitamin C ay maaring makatulong sa pagpapababa ng uric acid levels, kung kaya’t napipigilan ang pagkakaroon ng gout. 

Pagpapanatili ng Isang Malusog na Presyon ng Dugo

Ang vitamin C ay nakitaan din ng kakayahang magpababa ng blood pressure. Ang pag-inom ng vitamin C, lalo na kapag galing sa mga prutas na katulad ng lemon, ay maaring makatulong magpa-relax ng blood vessels, na nakakapagpabawas ng blood pressure levels. Ang mataas na blood pressure ay naglalagay sa iyo sa panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso o stroke.

Pangpakinis ng Kutis 

Bukod sa nagpapaganda ng balat, ang lemon ay maari ring makatulong sa pagpigil ng pagkulubot ng balat na dulot ng katandaan at sa matinding init ng araw. Ang taglay na vitamin C ng lemon ay nakakatulong sa pagbuo ng collagen, pangunahing sangkap ng iyong balat na tumutulong sa pagpapanatili ng iyong healthy skin complexion. Habang ikaw ay tumatanda, ang collagen supply ng iyong katawan ay unti-unting nababawasan, na nagiging sanhi ng pagkatuyot at pagkulubot ng iyong balat.

Pagtulong sa Pagbabawas Ng Sobrang Timbang

Ang lemon ay maaring makatulong magpabawas ng sobrang timbang. Ang taglay nitong polyphenols (isang uri ng antioxidant) ay maaring makatulong sa pagpigil sa sobrang pagtaba. 

Pagpapalakas Ng Function Ng Immune System 

Ang vitamin C ay maaring makapagpalakas ng iyong immunity sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong mga white blood cells na gumana ng maayos.

Ganoderma Lucidum

Ang “Milagrosong” Hari ng mga Halaman

Itinuturing bilang isa sa mga pinakamahalagang halaman sa Asia, ang Ganoderma lucidum ay higit na pinahahalagahan sa kanyang pagiging lunas na aspeto kaysa sa nutritional value nito. Ang pulang kabute na ito ay unti-unti na ring nakikilala sa gawing Kanluran ng mundo. Bukod sa pagtataguyod ng kalusugan at pagpapahaba ng buhay, ang

Ganoderma ay pinaniniwalaan din na mayroong natatanging mga sangkap na maaaring mag-ambag ng malaki sa pagpapalakas ng immune system.

Ang Ganoderma ay naglalaman ng 3 epektibong sangkap na maaring magpalakas ng iyong immune system: ORGANIC GERMANIUM, POLYSACCHARIDES, and TRITERPENES. Ang Ganoderma ay nagtataglay din ng mga sumusunod na aktibong sangkap: Proteins, Vitamins, Minerals, Dietary Fiber, Adenosine, and Ganoderic Essence. Meron din itong mga antioxidants, mga sangkap na humahadlang sa mganakakapinsalang mga free radicals.

Ang pag-inom ngtsaa ay maaaring makatulong para mapabuti ang iyong kalusugan.

Inilahad ng mga researches ang mga nadiskubre nilang health benefits ng pag-inom ng tsaa. 

Ito raw ay maaring makatulong sa pagpapababa ng iyong tsansa sa pagkakaroon ng heart attack and stroke, nakapagpalakas ng iyong brain power, nakapagpababa ng stress hormone levels, bad cholesterol levels, and blood pressure; nakapagpabawas ng pagiging mayamutin, sakit ng ulo, nervous tension and insomnia; nagpapataas ng iyong metabolism; nagpapalakas ng iyong immune defenses; at tumutulong kumuntra sa mga infection.

Alinsunod sa tuntunin ng pagtataguyod ng kalusugan, ipinakikilala ng DXN ang DXN Lemon Zhi.


DXN #LEMONZHI #BENEFITS:๐ŸŒป

๐Ÿ‹ Helps cough, asthma and other respiratory disorder.
๐Ÿ‹ Helps loss weight
๐Ÿ‹ Boosts Immune system
๐Ÿ‹ Helps reduces risks of Diabetes
๐Ÿ‹ Increases Stamina
๐Ÿ‹ Tones your muscles and skin
๐Ÿ‹ Anti Carcinogenic
๐Ÿ‹ Anti Aging
๐Ÿ‹ Stimulating
๐Ÿ‹ Helps detoxifies toxin
๐Ÿ‹ Helps reduce Cholesterol

๐Ÿ“During uncertain weather, people would feel their body heat increase, lack of appetite and feel sleepy from time to time.

๐Ÿ“To care for your health, DXN has developed LEMONZHI which is rich in natural ingredients containing #Ganoderma #extract, tea mix with lemon other natural elements.





No comments:

Post a Comment