ANO BA ANG TUBIG SA BAGA?
Ang isang pleural effusion ay isang buildup ng labis na likido sa puwang sa pagitan ng baga at ng pader ng dibdib. Ang lugar na ito ay tinatawag na pleura space. Halos kalahati ng mga taong may cancer ay nagkakaroon ng pleural effusion. Kapag lumalaki ang cancer sa pleura space, nagdudulot ito ng isang malignant na pleural effusion.
Ang tubig sa baga o kilala sa tawag na pulmonary edema ay isang kondisyon kung saan napupuno ng tubig ang baga ng isang tao.
Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng tubig sa baga. Kapag ang pasyente ay may problema sa puso, mahihirapan na itong magbomba ng sapat na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang dugo ay naglalaman ng oxygen na mula sa hangin na ipinapasok ng iyong katawan sa baga sa pamamagitan ng paghinga.
Dinadala ang oxygen sa lahat ng bahagi ng katawan sa pamamagitan ng pagbomba ng dugo sa proseso ng sirkulasyon. Kapag may tubig ang baga, ang baga ng pasyente ay napupuno ng tubig.
Habang dumadami ang tubig, mas nahihirapan ang baga na kumuha ng sapat na oxygen. Ang mga sintomas ng sakit na ito ay lalala hanggang sa hindi maaalis ang tubig.
Kapag may tubig ang baga, nagtatrabaho ang puso ng doble para makapagsuplay ng dugo sa buong katawan. Ito ay nakadaragdag ng hindi kinakailangang pressure sa maliliit na mga ugat sa baga.
Para maibsan ang pressure na ito, ang maliliit na ugat sa baga ay kailangang magpalabas ng tubig na naiipon sa baga.
SINU-SINO ANG MAAARING MAKA TUBIG SA BAGA?
Mas malaki ang posibilidad na ikaw ay magkatubig sa baga kapag:
- Dati ka nang nagkatubig sa baga.
- Nagkaroon ka na ng sakit sa baga tulad ng TB at chronic obstructive pulmonary disorder o COPD.
- Pagkakaroon ng sakit sa dugo.
- Kahirapan sa paghinga.
- Pag-ubo.
- Pagtunog ng baga kapag humihinga na para bang sumisipol.
- Pag-ubo na may kasamang dugo.
- Matinding pagpapawis.
- Pamamaga ng paa.
- Hindi normal na tibok ng puso.
- May sakit sa puso
May ilang mga hindi gaanong kumon na mga medikal na kalagayan na maaaring maging sahi ng tubig sa baga, tulad ng mga sumusunod:
- Atake sa puso o ibang mga sakit sa puso.
- Pagkipot o pagkakaroon ng tagal sa mga balbula ng puso.
- Biglaang pagtaas ng presyon ng dugo.
- Pagkakaroon ng pulmonya.
- Sakit sa bato
No comments:
Post a Comment